Isinuko ng General Service Office sa tanggapan ng Santiago City Police Office ang mga baril ng mga LGU personnel ng santiago city matapos mag expired ang lisensya ng mga ito.
Ito ay bilang bahagi parin ng ikinasang COMELEC gun bun kaugnay sa mapayapa at tahimik na halalan ngayong taon.
Kaugnay nito ay ipinasakamay sa SCPO ang (9) unit USAS 12gauge shotgun, three (3) unit SPAS 12gauge shotgun, twenty five (25) unit AKKAR 12gauge shotgun, two (2) unit ARMED 12gauge shotgun, one (1) unit HPRFL AK 47, one (1) unit FEDERAL MK9 cal 9mm, one (1) unit MP4 cal 9mm, one (1) ARMSCOR cal 45, sixteen (16) unit DAEWOO cal 9mm and thirteen (13) pieces of magazines ng DAEWOO 9mm at two (2) pieces magazines ng AK47 at ang mga ito naman ay may kabuuang bilang na 59 na mga baril at 15 pieces ngmagazines.
Sa ngayon ay mahigpit parin ang direktiba ng pamunuan ng SCPO kaugnay sa istriktong implimentsyon ng COMELEC gun bun at check point upang maiwasan mga krimen ngayong campaign period at hanggang sa pagsapit halalan.
Panawagan pa ang pagkakaisa upang makamit ang target na honest, peaceful and orderly election ngayong taong 2019 sa lungsod ng Santiago.