Mga Baril ng NPA, Narekober sa Nueva Vizcaya

Cauayan City, Isabela- Narekober ng kasundaluhan ng 86th Infantry Battalion ang ilang matataas na kalibre ng baril gaya ng tatlong (3) M-16 rifles na pinaniniwalaang nagmula sa Communist Terrorist Group (CTG) sa ilalim ng Komiteng Larangan Guerilla Quirino-Nueva Vizcaya nitong umaga ng nagdaang lunes, May 11, 2020.

Ayon sa pahayag ng 86th IB, ang pagkakarekober sa mga baril ay bahagi ng kanilang natanggap na impormasyon mula sa concerned citizen na inabandona ng New People’s Army (NPA) simula pa noong December 2017 makaraan ang kanilang hirap na pagtanggap sa kanilang sitwasyon nitong July 2017 sa Brgy. Landingan, Nagtipunan, Quirino.

Matatandaan na idineklara ng Bayan ng Kasibu sa Nueva Vizcaya noong July 22, 2019 na Persona-Non-Grata ang hukbo ng NPA at agad na pinakilos ang Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (MTF-ELCAC) sa komunidad.


Ayon kay LTC. Ali Alejo, Acting Commanding Officer ng 86th IB, nagpapasalamat siya sa tropa ng kasundaluhan at kanyang sinabi na ito ay indikasyon na ang Executive Order No. 70 ay patunay lamang na epektibo ito para wakasan anginsurhensiya sa bansa.

Tiniyak naman nito sa publiko na ang tropa ng kasundaluhan ay magpapatuloy sa mga hakbang para maiwasang makapanakit ang mga rebeldeng grupo sa kabila ng pakikipaglaban ng bansa sa COVID-19.

Pinuri naman ni Alejo ang tropa ng kasundaluhan dahil sa kanilang patuloy na pagtitiyak sa mas maayos na seguridad ng publiko.

Sa ngayon ay ang mga narekober na dokumento at baril ay nasa pangangalaga ng pamunuan ng 86th IB para sa iba pang pag-aaral.

Facebook Comments