Mga bata at mga babae, ginagamit na human shield ng Maute Group at ASG sa Marawi City

Marawi City, Philippines – Nahihirapan ang Militar sa clearing operation sa Marawi dahil sa paggamit ng Maute at Abu Sayyaf Group ng mga bata at mga kababaihan bilang human shield.

Ayon kay Lt. Col. Jo Ar Herrera – Spokesman ng ID ng PA, hindi basta makapasok ang mga sundalo sa mga lugar na okupado ng Maute at ASG dahil sa takot na mabiktima ang mga sibilyan.

Ito ay maliban pa sa paggamit ng mga Madrasah Schools na kanilang staging area at mga mosque bilang lungga ng mga snipers.


Sa kabila nito, sinabi ni Herrera na pursigido ang militar na habulin ang mga lokal na terorista.

Kapag hindi sila sumuko habang may panahon pa ay tiyak na may kalalagyan ang mga ito lalo na at nasa Marawi na ang mga pinakmagagaling na units ng AFP at PNP.

Sa ngayon ay 40-50 na lamang daw ang natitira pang Maute at ASG, na nagpalipat-lipat sa mga matataas na gusali kaya’t nahihirapan ang militar.
DZXL558

Facebook Comments