UK, may bagong ambassador sa Pilipinas

Manila, Philippines – Pormal nang itinalaga ng British government ang kanilang bagong ambassador sa Pilipinas.

Ito ay sa katauhan ni Daniel Robert Pruce bilang kapalit ni outgoing Ambassador Asif Ahmad.

Si Ahmad ay nakatakda namang ilipat sa ibang Diplomatic Service appointment.


Epektibo ang pag-upo ni Pruce bilang bagong British Ambassador to Manila sa Agosto ng taong ito.
DZXL558

Facebook Comments