MGA BATA SA SAN CARLOS CITY, IPINAMALAS ANG TALENTO AT PAGKAMALIKHAIN SA PAGDIRIWANG NG 34TH NATIONAL CHILDREN’S MONTH

Tampok ang talento, pagkamalikhain at kumpiyansa ng mga kabataan sa pagdiriwang ng ika-34 na National Children’s Month sa San Carlos City, Pangasinan.

Nagsagawa ng iba’t ibang aktibidad ang lokal na pamahalaan bilang pagkilala sa kakayahan at kahalagahan ng mga bata sa komunidad.

Kabilang sa mga tampok na aktibidad ang Singing Contest at Draw and Tell Contest na ginanap sa City Mall, kung saan ipinamalas ng mga batang kalahok ang kanilang husay sa pag-awit, paglikha ng sining at pagpapahayag ng kanilang mga ideya.

Saksi sa kanilang mga pagtatanghal ang kani-kanilang pamilya, mga guro at mga opisyal ng lungsod na nagbigay-suporta at paghikayat sa mga batang kalahok.

Sa pamamagitan ng mga aktibidad na ito, nabibigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na maipakita ang kanilang mga talento, malinang ang tiwala sa sarili at higit pang mapaunlad ang kanilang kakayahan.

Binigyang-diin din ng lokal na pamahalaan ang patuloy na pagsusulong ng mga programa at patakarang makakabata upang matiyak na napangangalagaan ang kanilang mga karapatan, kapakanan at kinabukasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments