Patuloy na pinalalakas ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City ang pagbibigay ng suporta at pag-alalay sa mga batang nakaranas ng pang-aabuso sa pamamagitan ng Lingap Dagupeña Program.
Sa ilalim ng programa, personal na kinumusta at binigyan ng counseling at emotional support ang mga batang biktima sa Barangay Pugaro upang matulungan silang mapagdaanan ang kanilang pinagdaraanan.
Pinangunahan ang aktibidad sa tulong ni Women Center Chief Malen Pilon at ng isang psychometrician na nagbigay ng kaukulang emosyonal na suporta at pagkakataong maipahayag ng mga bata ang kanilang nararamdaman.
Bukod sa counseling, namahagi rin ang lokal na pamahalaan ng mga grocery items at bigas para sa kanilang mga pamilya bilang karagdagang tulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











