Binigyang papuri ng Roseville Police Department sa California, USA, ang grupo ng kabataang nag-ala detective para mahanap ang nawawalang matandang babae na mayroong dementia.
Napaulat na nawawala ang 97-anyos na si Glenetta noong Setyembre 30, ayon sa CBS13.
Nang makita ang mga umaaligid na helicopter at mga pulis sa lugar, nagdesisyon ang magkakaibigang naglalaro noong oras na iyon na tumulong sa paghahanap sakay ng kani-kanilang bisekleta.
“We were playing at my house and we just wanted to go to the park, and we just saw police officers through the whole school. We thought something bad happened,” kuwento ng isa sa mga bata.
Natagpuan ng mga bata si Glenetta na nakatalungko sa likod ng halamanan ilang bloke lang ang layo sa kanilang lugar.
“She was right here and she was walking and she was talking to herself. And then when we came, she said, ‘No, no, no. Go away, go away, go away,'” saad ng pinakamatanda sa grupo sa Fox News.
Tinawagan nila ang 911 na agad namang rumesponde sa lugar.
Ipinagmalaki ng Roseville Police Department sa kanilang Facebook page ang matagumpay na misyon ng mga batang tinawag nilang “junior detectives.”
“This is a great example of our exceptional community coming together to lend a helping hand. This proves a great point, age is just a number and anyone can help out in a time of need.” saad sa post.