Inihayag ng pamunuan ng San Juan City government na maraming mga bata ang natuwa sa mala-children’s party na tema ng vaccination site sa FilOil Arena sa Lungsod ng San Juan kahapon.
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, sa pag-arangkada ng bakunahan kontra COVID-19 sa mga batang edad 5 hanggang 11 taong gulang kahapon, hindi naging alintana sa mga bata ang takot sa karayom bagkus, nangibabaw sa kanila ang pagiging masaya dahil samu’t saring mga aktibidad ang ginawa sa bakunahan.
Paliwanag ng alkalde na kaya nalilibang at masaya ang mga bata dahil may mga cosplayer na nag-iikot na nakasuot ng paboritong cartoon character ng mga bata tulad ni Superman, Spiderman, Ironman,at Wonderwoman.
Dagdag pa ni Zamora bukod sa mga super hero ang custome mayroon ding mga naminigay ng lobo, nag-ma-magic show, at nagpa-puppet show.
Napag-alaman na mahigit 1,000 mga batang edad 5 hanggang 11 taong gulang ang babakunahan kahapon laban sa COVID 19.