Cainta, Rizal Mayor Johnielle Keith “Kit” Pasion Nieto, inaming magiging administrator sakaling manalo ang kanyang asawa sa darating na eleksyon

Inihayag ni Cainta Rizal Mayor Johnielle Keith “Kit” Pasion Nieto na payag siyang maging administrator ng kanyang asawa na si Atty. Elen Nieto sakaling papalarin ng maging alkalde sa susunod na halalan.

Si Nieto ay pangatlo at panghuli na niyang termino bilang alkalde ng Cainta Rizal kung saan sinabi nito na sakaling palaring manalo ang kanyang asawa ay prayuridad nito na mabigyan ng trabaho ang kanyang mga kababayan

Paliwanag ng alkalde na ang kanyang maybahay ay tumatakbong alkalde kalaban si PBA legend at four-time most valuable player Alvin Patrimonio.


Dagdag pa ni Nieto na nakatuon sa trabaho ang kanyang asawa sakaling manalong alkalde habang naka-focus na siya sa social services at imprastraktura kung saan tinitiyak nito sa kanyang mga nasasakupan na ang kanyang administrasyon ay bukas sa anumang oras ng pangangailangan ng kanyang mga kababayan.

Facebook Comments