Mga batang nagsagawa ng kilos protesta sa Maynila, iimbestigahan

Manila, Philippines – Masusing aalamin ng Manila Department of Social Welfare kung sino ang nasa likod ng pagsasagawa ng kilos protesta ng mga bata na residente ng Baseco Compound sa harapan ng Manila City Hall upang tutulan ang naka-ambang umanong gagawing reklamasyon sa Manila Bay.

Ayon kay Manila Department of Social Welfare Chief Nanet Tanyag, iimbestigahan nila kung sino nag-utos sa mga bata na magsagawa ng kilos protesta para tutulan ang reklamasyon.

Paliwanag ni Tanyag mayroong kaakibat na kaso na paglabag sa RA 7610 o Child Abuse Law ang kakaharapin ng nasa likod ng pag-uudyok sa mga bata na magsagawa ng kilos protesta noong Lunes sa harapan ng Manila City Hall.


Giit ni Tanyag hindi dapat isama ang mga bata sa mga kilos protesta na sana ay nasa kani-kanilang mga paaraalan ang mga ito upang mag-aral para na rin sa kanilang kinabukasan.

Facebook Comments