MGA BATANG NEGOSYANTE SA CORDON ISABELA, SINANAY NG DTI

Cauayan City, Isabela- Sumailalim sa tatlong araw na Entrepreneurial Development Training ang labing-apat na TESDA Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) scholars ng Amancio Farm sa Bayan ng Cordon, Isabela na sinimulan noong March 1 hanggang nitong March 3 2022.

Sa unang dalawang araw ng nabanggit na Seminar, tinalakay ni SBC Emma Jane Domingo ang kanilang mga programa at proyekto, at kung paano mapanatili o maipagpatuloy ang negosyo.

Itinuro rin sa naturang pagsasanay ang Basic Entrepreneurship, Basic Marketing, at Social Media Marketing para lalong mapalawak ang kaalaman ng mga batang negosyante.

Samantala, tinalakay at ipinaliwanag naman nina DTI Isabela Chief Trade and Industry Development Specialist Elmer Agorto at Technical Assistant Krystel Bassig ang tungkol sa RA 7394 o ang Consumer Act of the Philippines tungkol sa mga karapatan at responsibilidad ng isang consumer.

Layon ng naturang aktibidad na bigyan ng proteksyon at mapangalagaan ang mga mamimili mula sa mga mapang-abusong negosyante.

Napag-usapan din sa isinagawang training ang mga Product standards, tamang paglalagay ng price tags, at iba pa na may kinalaman sa fair-trade rules.

Facebook Comments