NAKA OFF-DUTY NA PULIS, NAGPAMALAS NG KABUTIHANG LOOB SA ISANG MOTORISTA

Cauayan City, Isabela- Nagmagandang loob ang isang pulis ng Isabela Police Provincial Office na kung saan ay hindi ito nagdalawang isip na tulungan ang isang lalaki na nasiraan ng sasakyan.

Kinilala ang nasiraan ng sasakyan na si Jaysonn Ko habang ang naturang pulis na tumulong ay kinilalang si Police Corporal Marc Jay Bermudez na kabilang sa Provincial Community Affairs and Development Unit ng IPPO.

Ayon sa Facebook post ng naturang nasiraan ng sasakyan, naganap ang insidente kamakailan nang tumirik ang kanilang sinasakyan habang pauwi galing ng kanilang trabaho habang binabagtas ang daan sa barangay Guibang sa bayan ng Gamu.

Nabataid na si PCpl Bermudez ay naka-off duty noong siya’y tumulong at ayaw pang magpakilala.

Hindi naman lubos akalain ni Ko na sila’y hihintuan at tutulungan ni Bermudez at nagboluntaryo pa ang naturang pulis na ihatid sila matapos ang insidente.

Facebook Comments