Masayang-masaya ang labing-limang “Batang RT, Batang Tatak DZXL” sa natanggap na exclusive Radyoman shirt, pasalubong bundles at customized DZXL face mask sa ikatlo at huling araw ng DZXL Radyo Trabaho gift-giving activity sa mga batang lansangan sa Taguig City at Pateros.
Ilan sa kanila ay nakasalubong ng grupo sa daan habang ang ilan ay kasama ang kanilang magulang sa paghahanap-buhay tulad ng pangangalakal.
Lubos na nagpapasalamat si Tatay Rene Anino na nakatira sa isang sasakyan kasama ang kaniyang mga anak sa New Lower Bicutan, Taguig City.
Sa kabuuan, apatnapu’t lima na “Batang RT, Batang Tatak DZXL” ang nabigyan ng grupo ng munting regalo matapos ang tatlong araw na pag-iikot sa anim na lungsod sa Metro Manila.
Layunin ng aktibidad na ito na kahit sa simpleng paraan, maipadama sa mga batang lasangan ang kasiyahan at pagmamahal sa gitna ng pandemya.