Pag-endorso na ni PRRD ng speaker, pagsasalba sa hati-hating administration coalition

Manila, Philippines – Hindi na nagtataka si Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate sa pagbawi ni Pangulong Duterte sa naunang pahayag nito na hindi siya manghihimasok sa usapin ng speakership race.

Ito ay matapos iendorso ni Pangulong Duterte sina Taguig Representative Alan Peter Cayetano ka-term sharing sa speakership post si Marinduque Representative Lord Allan Velasco.

Naniniwala si Zarate na kailangan itong gawin ni Duterte para maisalba ang magulong koalisyon ng administrasyon.


Pero naniniwala ang kongresista na malabo nang maayos ang lamat sa supermajority kaya tiyak na iiral pa rin ang kanya-kanyang paksyon sa Kamara sa kabila ng term sharing.

Samantala, ongoing naman ngayon ang pagpupulong ng Partylist Coalition para desisyunan kung sinong speaker candidate ang kanilang susuportahan matapos ang ginawang anunsyo ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments