Magpapatupad ng apat na araw na onsite workweek ang mga bayan at lungsod sa Pangasinan simula Marso 9, 2026 bilang bahagi ng inisyatiba ng pamahalaan sa pagkonserba ng enerhiya at pagtugon sa tumataas na presyo ng langis.
Sa ilalim ng programa, ang opisina ng mga munisipyo ay magbubukas mula Lunes hanggang Huwebes, 7:00 a.m. hanggang 6:00 p.m., habang ang Biyernes ay itatalaga bilang Energy Conservation Day kung kailan magsasara ang mga tanggapan.
Patuloy namang gagana ang frontline offices, emergency response units (DRRMO), at serbisyong pangkalusugan upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo publiko.
Pinayuhan ng mga lokal na pamahalaan ang publiko at mga kawani na sumunod sa bagong iskedyul at iakma ang kanilang mga gawain sa nasabing pagbabago. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










