MGA BHWS NA TINAGURIANG HEALTH HEROES, KINILALA

Kinilala ang gampanin at sakripisyo ng bawat Barangay Health Workers sa Dagupan City alinsunod sa naganap na BHW Summit 2025 and Awarding Ceremony.

Ginawaran ang mga BHWS na nagpamalas ng kalidad na serbisyong pangkalusugan sa kanilang pinagsisilbihang mga kabarangay sa nasasakupan.

Pinuri ni re-elected Mayor Fernandez ang inisyatiba ng mga ito na lumapit at maghanap ng mga pasyente upang mabigyan ng wasto at nararapat na serbisyo.

Samantala, inaasahan na mas palalakasin pa ang programa tulad ng Home Visit, Medical Mission, mga implementasyon ng mga national at local health programs at maraming pang iba. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments