Mga biktima ng baha at landslide sa bayan ng Polomolok, Gensan, binigyan na ng tulong ng lokal na pamahalaan

General Santos City—nag-abot na nang tulong ang lokal na gobyerno ng South Cotabato sa 30 na pamilya na apektado ng baha at landslide sa Purok 1-A, Barangay Landan, Polomolok.

Ang baha at landslide sa nasabing lugar ay resulta ng malakas na pagbuhos ng ulan sa iilang lugar sa South Cotabato noong nakaraang araw.

Sa report ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council sa pamamagitan ni Provincial Disaster Officer Milagros Lorca, na aabot sa 7 kabahayan ang totally damage at apat naman ang partially damage dahil sa flash flood, samantala isang bahay naman ang natabunan ng pagguho ng lupa.


Wala namang naitalang nasugatan o namatay dahil sa nasabing insidente.

Napag-alaman na ang mga apektado parehong mga informal settlers na tumira sa gilid nang sapa sa nasabing Barangay.

Sa ngayon pinag-aaralan pa ng Local Government ng Polomolok ang posibling pagbigay ng relocation site sa mga residente sa nasabing lugar.
DZXL558

Facebook Comments