Mga biktima ng kalamidad sa Cagayan, bibisitahin ni Pangulong Duterte at Senator Bong Go

Bukas ay bibisita sa mga sinalanta ng kalamidad sa Cayagan si Pangulong Rodrigo Duterte kasama si Senator Christopher Bong Go.

Ito ay upang personal na magbigay ng tulong sa mga dumanas ng matinding pagbaha at para rin ia-assess ang kalagayan at mga pangangailangan ng mga apektadong lugar.

Binigyang diin ni Go na sa ngayon, all assets ng gobyerno ay naka-mobilize para rumesponde sa mga apektado ng bagyo at mga humihingi ng saklolo.


Ayon kay Go, patuloy ang pagsasagawa ng rescue and response operations at pamamahagi ng mga food and other assistance sa Cagayan at iba pang lugar.

Kaugnay nito ay patuloy na umaapela si Go sa taumbayan na magbayanihan at makipagtulungan sa pamahalaan na palaging nagmamalasakit at handang tumulong sa mamamayan.

Ang tanggapan naman ni Senator Go ay wala ring hinto sa pag-iikot at paghahatid ng immediate assistance sa lugar na sinalanta ng bagyo tulad ng Catanduanes, Albay sa Bikol, Southern Luzon, National Capital Region at Northern Luzon.

Facebook Comments