Mga biyaherong papuntang probinsya – parami na nang parami

Manila, Philippines – Parami na nang parami ang mgapasaherong dumaragsa sa mga paliparan, pantalan at terminal ng bus na uuwi sapaggunita ng Semana Santa.
  Ngayong araw kasi ang huling working day sa linggong itona pagdagsa naman ng mga pasaherong aalis at dadating patungo at mula sa mgalalawigan.
  Bunsod nito, handa na ang pamunuan ng North LuzonExpressway at South Luzon Expressway.
  Nakaabang na ang mga karagdagang collection booth samalalaking toll plaza oras na humaba na ang pila sa mga toll booth.
  Habang patuloy naman ang mahigpit na seguridad napinaiiral sa Ninoy Aquino International Airport.
  Kasabay nito, pinaalalahanan ng civil aeronautics boardang mga pasahero sa kanilang mga karapatan sakaling magkaroon ng pagkaantala ngkanilang flight.
  Sinabi ni Atty. Wyrlou Samudio, chief legal division ngcab, na dapat sundin ng mga airline companies – ilan sa mga karapatan ngpasahero ay dapat bigyan sila ng makakain habang nag-hihintay ng paglipad ngkanilang flight.
  Maari din humiling ng libreng tawag ang mga pasahero atkarapatan din nilang magpalipat ng flight o magpa-rebook ng ibang mga flight.
 

Facebook Comments