Nagpaalala ang Commission on Election (COMELEC) na okay lamang na mag under-vote kaysa mag-over vote para hindi mabaliwala ang balota.
Ayon kay COMELEC Election and Barangays Affairs Department Director 3 Atty. Elaiza Sabile David, kahit hindi 12 senador ang iboto ay pwede basta’t huwag lamang i-shade ang pangalan ng sobrang kandidato sa pagkapangulo dahil hindi ito bibilangin.
Aniya, isang partylist group lamang din ang kailangang iboto.
Nilinaw rin ni David na hindi na kailangang isumite ng mga botante ang “stub” na ibinigay sa kanila noong nagparehistro.
Hindi aniya totoong magsisilbi itong ID at hindi rin kailangang dalhin sa mga polling precinct.
Facebook Comments