Higit 147-M doses ng bakuna, naiturok na ng pamahalaan

50

Umakyat na sa higit 147.3 million doses ang kabuuang bilang ng COVID-19 vaccines na naiturok na ng pamahalaan sa buong bansa.

Sa bilang na ito, 68.2 million dito ay fully vaccinated na laban sa virus.

Katumbas ito ng 75.8% mula sa target population ng pamahalaan.


Ayon kay Communication Secretary Martin Andanar, nasa 72.7 million doses naman ang naiturok na ng gobyerno bilang first dose.

Habang umakyat na rin sa higit 13.2 million ang nakatanggap na ng booster shot o additional doses ng bakuna.

Samantala, sa hanay naman ng mga batang edad 5-11 taong gulang, umaakyat na rin sa higit 2.1 million ang fully vaccinated na kontra COVID-19.



Facebook Comments