Mga brgy official na ‘di tutulong sa paglilinis sa mga daluyan ng tubig, binigyang babala

Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga barangay official na hindi nakikiisa sa paglilinis ng mga ilog, estero, at kanal na nasasakupan nila.

Ayon kay DILG Undersecretary Martin Diño, ito ay alinsunod sa Republic Act 9003 o Solid Ecological Waste Management Act.

Sa Marso 31 itinakda ng DENR ang malawakan at sabayang paglilinis ng mga waterway ng lahat ng barangay na dinadaanan ng mga ilog ng Tullahan, Marikina at Pasig.


Facebook Comments