PULIS, PATAY MATAPOS MAAKSIDENTE

Nasawi ang isang pulis matapos sumalpok sa kasalubong na traysikel ang minamaneho nitong motorsiklo sa kahabaan ng Barangay Villa Sur, Maddela, Quirino pasado alas 7:00 ng umaga kahapon, Oktubre 30, 2022.

Kinilala ang biktima na si PCpl Bernie Pascual, 27 taong gulang, may-asawa, nakatalaga sa 2nd QPMFC at residente ng Ligaya, Aglipay, Quirino.

Habang ang suspek na drayber ng traysikel ay si Alfonso Blanco, Jr., 82 taong gulang, at residente rin ng barangay Villa Sur.

Sa imbestigasyon ng pulisya, magkasalungat na binabaybay ng biktima at suspek ang daan nang bigla umanong mag U-turn ang traysikel patungo sana sa kanyang lugar subalit habang nasa proseso ay nasalpok ito ng paparating na motorsiklo ng biktima.

Nagtamo ng head injury ang biktimang pulis na agad namang naisugod sa pagamutan subalit kalaunan ay binawian din ito ng buhay.

Facebook Comments