Nahirapan ang karamihan sa mga bumisita sa Roman Catholic Cemetery dahil sa matubig at maputik na daanan papunta sa mga puntod ng kanilang mga yumao.
Taon taon na lamang umanong ganito ang nagiging sitwasyon kapag bibisita sila sa araw ng Undas.
Hindi rin naman nila masisisi dahil sadyang bahain talaga sa lungsod at patong patong na mga damo at mga pinagtagpi-tagping kahoy ang nagsilbing tungtungan ng mga bumisita para makatawid.
Ang ilan pa nga sa mga ito tumungtong ba sa mga upuan na katabi ng mga puntod.
Samantala, hirap din umano nilang makita ang ilan sa mga puntod dahil na natabunan na ng mga pinantatampal na mga damo at kahoy sa matubig na bahagi ng sementeryo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments