Inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na tumatayong caretaker ng bansa dahil nasa Japan si Pangulong Rodrigo Duterte na wala namang inilatag ang pangulo na guidelines sa kanyang gabinete kung paano haharap o sasagot sa mga katanungan ng mga mamamahayag.
Ito ang sinabi ni Guevarra sa harap narin ng mga batikos na natanggap ni Social Welfare Secretary Ronaldo Bautista mula sa broadcaster na si Erwin Tulfo na inulan din naman ng batikos sa social media.
Ayon kay Guevarra, walang standard rule sa kanilang mga gabinete at dedepende ang lahat sa kung paanong gustong sumagot ng isang kalihim o ng isang opisyal ng pamahalaan.
Inihalimbawa ni Guevarra ang sarili at sinabing mabilis siyang sumagot sa mga text messages pero umiiwas siya sa mga studio guesting dahil kumakain ito ng oras at nagiging self-conscious siya kapag mayroong nanunuod sa kanya o kung pinakikinggan ang lahat ng kanyang mga sinasabi.