Manila, Philippines – Inalis na ng Philippine Amusement and Gaming Corporation ang suspension order laban sa Travellers International Hotel Group, Inc. (TIHGI).
Ang TIHGI ang siyang operator ng Resorts World Manila (RWM).
Ibig sabihin, pwede na ulit mag-operate ang nasabing hotel-casino.
Kasunod na rin ito sa pagtupad ng tihgi sa mga required security at safety improvements ng PAGCOR.
Kabilang na rito ang pagkuha ng seribisyo ng panibagong security agency at experts, pagdagdag sa bilang ng mga x-ray machines at metal detectors, pagdoble sa deployment ng mga armadong security guards at improvement ng safety at security protocols sa iba’t ibang emergency scenarios.
Maliban ditto ay nagsagawa rin ang tihgi ng karagdagang safety at security seminars para sa kanilang mga empleyado.
Iginiit naman ng pagcor na kaya nila tinanggal ang suspension order ay para ikonsidera ang 6,000 gaming operation work force ng TIHGI.
Matatandaang noong June 9 (Biyernes) ang pinatawan ng suspension order ang RWM dahil sa nangyaring pag-atake noong June 2.