MGA CENTENARIAN MULA SA 3RD HANGGANG 5TH DISTRICT, TINULUNGAN NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG PANGASINAN

Isa sa programa na ipinatupad ng Pangasinan Provincial Social Welfare and Development Office ang “Honoring Our Pangasinense Centenarian.”
Layunin nitong bigyan ng parangal ang mga 11 na mga lolo at lola na abot 100 taon na ang edad na mula sa 3rd at 5th District.
Isinagawa ang nasabing programa nito lamang nakaraang November 7,2022.

Ayon sa kanilang opisina, nais nilang mabigyang halaga ang mga nakatatanda at mga senior citizen sa ating probinsya.
Binigyan sila ng gift packs at cash incentives. Ang mga nabigyang senior citizen ay nagmula sa iba’t ibang bayan sa Pangasinan. |ifmnews
Facebook Comments