Mga co-accused ni CGMA sa PCSO plunder case, may panibagong kaso sa Sandiganbayan

Manila, Philippines – Nahaharap sa panibagong kaso sa Sandiganbayan ang tatlong co-accused sa PCSO plunder case ni dating Pangulong Gloria Arroyo. 

 

Ang mga ito ay sina dating PCSO Gen. Manager at Vice Chairman Rosario Uriarte na sinampahan ng 2 counts ng kasong graft habang co-accused ni Uriarte ang dalawang dating PCSO members of the board na sina Jose Taruc at Fatima Valdez.

 

Sa case information inihain ng Ombudsman, February 2010 ng aprubahan nila ang joint venture sa pagitan ng PCSO at TMA group of companies  para sa pagtatayo ng formal coating and printing plant.

 

Tumanggap ang mga ito ng regalo mula sa TMA na all-expense paid trip to Australia.

 

Si Valdez ay una ng nagtago sa New Zealand at nagpakita lamang ito sa korte noong October 2016 makaraang malinis ang pangalan ni Arroyo at PCSO budget official Benigno Aguas sa kasong plunder.

 

Tatlumpung libong piso ang inirekomendang piyansa sa bawat isa sa bawat bilang ng kasong graft o kabuuang 60 thousand pesos.

Facebook Comments