Ayala at Globe telecoms, tutulong sa war on drugs ng administrasyon

32

Manila, Philippines – Nakaharap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng Ayala Group at Globe Telecom  para sa isang malaking proyekto para sa war on drugs ng administrasyon.

 

Nakatakda kasing magtayo ng isang community based rehabilitation facility ang ayala para makatulong sa kampanya ng Pangulo kontra sa iligal na droga.

 

Nabatid na kasama sa pulong sina Health secretary Paulyn Ubial at Finance Assistant Secretary Soledad Cruz.

 

Nangako din naman ang Ayala Group of Companies na magiging abot-kaya ang itatayong pasilidad para sa mga mahihirap na Pilipino.

 

Katuwang ng Ayala Group ang Globe Telecom sa pagtatayo ng nasabing proyekto.

Facebook Comments