Inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na mangilan-ngilan na lang ang baybaying dagat sa bansa ang apektado ng toxic red tide.
Batay sa pinakahuling ulat ng BFAR, ang coastal waters na lamang ng Dauis at Tagbilaran City, Bohol, Dumanguillas Bay sa Zamboanga del Sur, San Pedro Bay Sa Samar at Lianga Bay sa Surigao del Sur ang nanatiling positibo ng paralytic shellfish poison.
Sinabi ni BFAR Director Denosthenes Escoto, ang mga lamang dagat o shellfish na nakukuha sa mga nabanggit na baybaying dagat ay hindi pa ligtas kainin.
Lahat namang nakukuha mula sa coastal waters ng Cavite, Las Piñas, Parañaque, Navotas, Bulacan at Bataan ay ligtas para sa human consumption.
Facebook Comments