AKLAN PPO MAY BAGO NG PROVINCIAL DIRECTOR

Kalibo, Aklan – Umupo na bilang bagong Provincial Director ang Aklan Police Provincial Office (APPO) PCol. Victorino Romanillos Jr.
Base sa order na inilabas ng Police Regional Office (PRO) 6, papalitan ni Romanillos si PCol. Crisaleo Tolentino na ini-assign bilang Directorate for Operations sa Camp Crame epektibo kahapon, Mayo 16, 2023.
Kasabay ng pag-upo ni Romanillos sa Aklan PPO, ay iniutos rin PRO6 Officer-in-Charge PBGen. Archival Macala na paigtingin ang anti-criminality operations lalo na ang kampanya laban sa iligal na sugal na order rin ng PNP National Headquarters.
Maliban pa dito, iniutos rin ng opisyal na palakasin ang police presence at visibility sa isla ng Boracay na isa sa mga kilalang tourist destination at dinadagsa ng mga turista lalo na ngayong summer.
Hiling rin ng PRO6 sa mga taga Aklan ang kooperasyon at suportahan ang bagong Provincial Director ng Aklan PPO.
Facebook Comments