MGA COFFEE ENTHUSIAST SA PANGASINAN, NAGPAKITANG GILAS SA ISANG COFFEE EXHIBITION SHOWDOWN

Nagpakitang gilas ang mga idols natin sa coffee exhibition showdown sa pangunguna ng Explore PD4 Coffee Competition na ginanap sa Nena’s Garden sa Dagupan, City ngayong Oktubre 2023.
Sa 12 participants, naging anim na finalist na coffee masters ang nakipagtagisan sa husay sa coffee brewing. Layunin ng aktibidad na ito ay maipakita ang talento ng mga idols hindi lang sa pagkanta, pagsayaw atbp kundi pati rin sa pag-timpla ng kape dahil marami sa atin ang gustong gusto rin uminom ng kape.
Bukod sa pagtitimpla, mayroon din kwento sa kabila ng kanilang coffee art designs na nagbigay inspirasyon din sa mga nanood at nakilahok sa naturang aktibidad. Congratulations idol, mula rito sa IFM Dagupan! |ifmnews

Facebook Comments