LALAKING NAGTANGKANG TUMAKAS SA CHECKPOINT NG PULISYA SA URBIZTONDO, TIMBOG; SHABU AT MARIJUANA, NAKUMPISKA

Nauwi sa pagkakaaresto ang pagtatangkang pagtakas ng isang motorista sa Urbiztondo, Pangasinan habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang kapulisan noong Nobyembre 26, 2026.

Ayon sa pulisya, unang sinita ang 24-anyos na si “Arron,” residente ng Bayambang, dahil wala umanong plaka ang motorsiklo nito.

Ngunit, nagtangka umano itong tumakas hanggang sa makorner ng mga operatiba.

Nang suriin ang lalaki, nakumpiska ang dalawang sachet ng hinihinalang droga na tinatayang nagkakahalaga ng ₱3,400 at apat na gramo ng marijuana na may halagang ₱480.

Narekober din ang isang tooter at itim na pitaka.

Nasa kustodiya na ng Urbiztondo Police ang suspek matapos sumailalim sa medical examination, habang inihahanda ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at Article 151 ng Revised Penal Code na may kaugnayan sa resistance and disobedience to a person in authority. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments