Mga contacts at facilitators’ ng drug importation ng mag-inang drug queen, pinasisiyasat din sa PDEA

Manila, Philippines – Matapos matuklasan ng mga otoridad ang modus operandi ng iligal na droga ng tinaguriang drug queen na si Yu Yuk Lai at ng anak nitong si Diana, iginiit ni Dangerous Drugs Committee Chairman Robert Barbers na alamin din ng PDEA ang iba pang kasabwat ng mag-ina.

Giit ni Barbers, hindi dapat matigil sa mag-inang drug queen ang usapin ng operasyon ng droga dahil siguradong marami pa ang mga nasa likod nito.

Kailangan aniyang imbestigahan din ng PDEA kung sino ang mga “outside contacts” ng mag-ina, mga facilitator ng kanilang shabu importation at ang mga big time na parokyano ng kanilang illegal drugs.


Hindi ini-a-alis ni Barbers ang posibilidad na maaaring sangkot din sa rice smuggling si Diana dahil natuklasan ang iligal na droga na ibinebenta nito na ikinukubli lamang sa kanyang rice retailing business na hindi kalayuan sa palasyo ng Malacañang.

Pinaiimbestigahan din ni Barbers sa PNP kung papaano at bakit nabigyan ng VIP security escorts si Diana mula sa Police Security Protection Group ng PNP.

Facebook Comments