Mga customer sa mga restaurant, nabawasan ng 80% bunsod ng pandemya ayon sa Restaurant Owner’s Group

Nabawasan ng 80% ang bilang ng mga customer na nagpupunta sa mga restaurant bunsod ng pandemya.

Ayon sa grupo ng Restaurant Owner’s, kahit na pinayagan na ang pag-dine in sa gitna ng General Community Quarantine (GCQ) ay hindi pa rin nila naaabot ang tamang bilang ng kanilang mga customer sa loob ng isang araw.

Sa naging pahayag ni Resto PH President Eric Teng, posibleng bumagsak ang kanilang negosyo dahil malaking porsyento ang nawala sa kanilang mga customer bunsod ng limitadong seating capacity at oras sa kanilang operasyon dahil sa ipinatutupad na curfew hour dahilan para ang kanilang renta ay mas malaki pa sa kanilang kinikita.


Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), pangalawa sa pinakamaraming nawalan ng trabaho ang “accommodation and food service activities” kung saan, 2 milyong manggagawa ang umaasa sa food service industry.

Facebook Comments