Mga dambuhalang billboard sa kahabaan ng EDSA, sinimulan nang tiklupin

Sinimulan nang baklasin at tiklupin ngayon pa lamang ng mga Ads Operator ang mga naglalakihang billboard na nakalatag sa kahabaan ng EDSA sakop ng Mandaluyong at Pasig City.

Ito ay kasunod na rin ng pagbabanta ng malakas na hanging dala ng bagyong si Rolly na nakapasok na sa Philippine Area of Responsibilitay kagabi.

Kapansin-pansin na sa kahabaan ng EDSA sa bahagi ng Ortigas ay marami nang mga natiklop kung hindi man pansamantalang tinanggal na billboard.


Ang pag-alis pansamantala sa mga billboard ay isang panuntunang ipinatutupad ng MMDA kapag mayroong babala ng pagtama ng isang bagyo bilang pag-iingat sa pagbagsak nito dahil sa bugso ng malakas na hangin.

Batay sa huling bulletin ng PAGASA Weather Bureau, lalo pang lumakas ang bagyong si Rolly na ang puntirya ay bahagi ng Central Luzon at isa sa posibleng makaranas ng epekto nito ay ang Metro Manila.

Facebook Comments