Ninanais ng mga dating NPA cadre na maipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan ng gobyerno at CPP/NPA/NDF. Magugunitang naudlot ang pang limang round ng usapang pangkapayapaan na nakatakda sana noong Mayo 26 hanggang June 2, 2017 sa Netherlands.
Ito ang naging katayuan ng tatlong mga dating rebelde sa kanilang pagdalo at pakikipagtalakayan sa pulong para sa pagtatatag ng Amianan Peace Network sa Eurotel, Baguio City noong Agosto 12, 2017.
Ang pulong ay ginawa sa pamamagitan ng inisyatiba ni dating DAR Regional Director Rene Navata ng Alert International, isang pandaigdigang samahan na nagsusulong para sa mapayapang resolusyon ng mga giyera.
Ang tatlong mga cadre ay sina Jovencio Balweg, kapatid ng namatay na rebeldeng pari na si Conrado Balweg, Cesario Baroña na dating halal na opisyal ng Abra, at Normalita Lee na naging matagal na amasona ng Isabela. Kasama nila ang mga ibang kinatawan buhat sa ibat ibang sektor ng Lambak ng Cagayan at Cordillera.
Mismong ang DWKD 98.5 RMN News Team ang nakasaksi sa naturang mga pahayag matapos na kasama sa mga inimbitahang dadalo sa naturang pulong.
Sa naturang Amianan Peace and Development Forum ay napagkasunduan at napagplanuhan ang pagtatatag ng Amianan Peace Network na magpapalawig ng adbokasiya para sa resolusyon ng deka-dekada nang tunggalian ng CPP/NPA at ng gobyerno.
Mga Dating Hardline NPA, Nais Maipagpatuloy Ang Usapang Pangkapayapaan
Facebook Comments