Mga deboto, magiging sentro ng Traslacion ngayong taon

Manila, Philippines – Sesentro sa mga deboto ang tema ng traslacion ngayon 2019.

Ito ang binigyang diin ni Msrg. Hernando Coronel, kura paroko ng Quiapo Church sa press briefing na isinagawa kaninang umaga, para sa nalalapit na prosesyon ng Itim na Nazareno.

Ayon kay Msrg. Coronel, ipaiintiindi nila sa mga mananampalataya ang kahalagahan ng pagiging isang tunay na deboto.


Hinihikayat naman ni Msrg. Coronel ang mga deboto na tangkilikin ang mga prayer stations na kanilang itatalaga sa ruta ng prosesyon, upang kahit papaano aniya ay mabawasan ang populasyon sa mismong prosesyon.

Kaugnay nito, nagpaalala na ang pamunuan ng Quiapo Church sa mga makikiisa sa prosesyon na iwasan na ang pagdadala ng pointed objects o matutulis na bagay tulad ng ballpen at stick na maaaring makasakit ng iba pang deboto.

Pinapayuhan rin ang mga deboto na mayroong health problem, na huwag nang makipagsiksikan sa prosesyon, at manatili na lamang sa mga itinalagan prayer stations.

Facebook Comments