Mga debotong hinimatay sa kapistahan ng Puong Itim na Nazareno, tatlo na!

42

Umabot na sa tatlong deboto ang hinimatay sa kasagsagang ng selebrasyon ng pista ng Puong Itim na Nazareno.

Ayon kay Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Director Arnel Angeles, kabilang dito ang isang babae na hinimatay matapos ang kanyang novena.


Aniya, nahilo at tumaas ang blood pressure ng nasabing babae, pagkatapos niyang mag-novena sa Carlos Palanca Street.

Agad naman itong isinugod sa Manila Doctors Hospital para mabigyan ng atensyong medical.

Bukod dito, isang 50-anyos na lalaki naman ang hinimatay habang nagdarasal sa bahagi ng Plaza Miranda.

Sa ulat, bigla na lamang itong bumagsak at nauntog nang humampas ang ulo sa semento.




Walang naman impormasyon ang MDRRMO sa pangatlong hinimatay na deboto.

Facebook Comments