Mga dedicated control points sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila para sa mga cargo vehicles iinspeksyunin ngayong araw ng PNP

Nakatakdang inspekyunin mamayang alas-8:00 ng umaga ni Joint Task Force COVID Shield Commander Lieutenant General Guillermo Lorenzo kasama si PNP Highway Patrol Group Brigadier General Eliseo Cruz ang inilagay nilang Dedicated Control Points sa Metro Manila.

Ang Dedicated Control Points ay inilagay ng Philippine National Police (PNP) sa mga major thoroughfares  sa Metro Manila para daanan ng mga cargo vehicles.

Ito ay matapos na maantala na ang mga biyahe ng mga cargo vehicles simula ng umiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).


Sinabi ni Eleazar aalis sila sa Camp Crame  kasama ang  Inspecting team ngayong umaga at mag iinspection  sa mga DPC’s.

Valenzuela-Bulacan, Boundary along McArthur Hway Malanday, Valenzuela City

Marikina-Rizal, Boundary along, Marcos Hway, Marikina City.

Pasig-Rizal, Boundary along, Ortigas Ave. Ext. Pasig City

Muntinlupa-Laguna, Boundary along Maharlika Hway, Brgy Tunasan, Muntinlupa City.

Facebook Comments