Naka-alerto na ang lahat ng ospital ng Department of Health (DOH) sa National Capital Region (NCR) para asistehan ang mga pasyente ng Philippine General Hospital (PGH) kasunod ng sumiklab na sunog kaninang hapon.
Ayon sa DOH Health Emergency Management Bureau (HEMB), nakahanda na silang mag-accommodate ng mga pasyente mula sa PGH.
Tutulong din ang ahensya sa pag-transfer o paglipat ng mga pasyente mula sa naturang ospital.
Inatasan na rin ng DOH ang lahat ng mga ospital nito na suriin ang kanilang mga fire evacuation plans at magsagawa ng mga pagsusuri sa kanilang mga ospital para sa para maiwasan ang sunog ngayong fire prevention month.
Facebook Comments