Mga doktor, malayang pumili ng brand ng bakuna – Pangulong Duterte

Hindi kokontrahin ng pamahalaan ang mga medical frontliners na nais magpaturok ng COVID-19 vaccines na gawa ng western manufacturers kaysa sa Chinese suppliers.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, iginagalang ng Pangulo ang karapatan ng health professionals na pumili ng kanilang gustong vaccine brand.

Maaaring maghintay ang health workers na dumating ang mga susunod na batch ng bakuna kung ayaw nila ang Sinovac vaccine na unang dumating sa bansa.


Matatandaang pinayagan ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use ng Sinovac vaccines sa bansa, pero batay sa kanilang rekomendasyon ay hindi ito pwedeng gamitin sa health workers na expose sa COVID-19 patients dahil sa magkakaibang efficacy levels.

Nilinaw ng FDA na maaari pa ring magpaturok ang mga health workers ng Sinovac vaccines kung nanaisin nila.

Facebook Comments