Mga domestic travelers, dapat alamin muna ang protocols sa kanilang lugar na pupuntahan – DOT

Pinaalalahanan ng Department of Tourism (DOT) ang mga domestic traveler na alamin muna ang mga kaukulang travel protocol sa kanilang destinasyon.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ito ay para makasiguro sa ipinatutupad na health protocols ng bawat Local Government Unit (LGU) lalo na’t pabago-bago ang travel protocols sa mga tourist destination.

Mabuti rin aniyang alamin sa mga hotel ang mga ikinakasang protocol nito.


Aminado naman si Puyat na maging sila ay nagugulat sa biglaang anunsyo ng LGU hinggil sa pansamantalang pagsasara ng kanilang tourist spots dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Facebook Comments