
Dapat nang gumamit ang mga driver at operator ng e-wallet para sa mas mabilis at mas komportableng pagtanggap ng cash assistance.
Para naman sa mga walang e-wallet, maaari silang pumunta sa mga distribution venues na itatakda ng Local Government Units (LGUs) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Vigor Mendoza II, makakaiwas sa mahabang pila ang mga benepisyaryo kung e-wallet ang gagamitin.
Inatasan ni Mendoza ang kanilang mga regional directors na pabilisin ang updating at submission ng e-wallet data para sa mas mabilis na fuel subsidy distribution sa mga drivers, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Kasalukuyang naghahanda ang ahensya para sa full implementation ng Fuel Subsidy Program, at nakikipag-ugnayan sa mga electronic money issuers para sa ligtas at maayos na payout.
Nagsimula na rin ang distribusyon sa Metro Manila para sa tricycle drivers, habang patuloy ang koordinasyon ng kagawaran sa LGUs at DSWD para mapabilis ang proseso sa buong bansa.










