MGA DRUG REFORMIST AT OSY SA CAUAYAN, AKTIBO PA RIN SA AGRICULTURE ORGANIC TRAINING

Cauayan City, Isabela- Tuloy-tuloy at aktibo pa ring sumasailalim sa 29-Day Agriculture Organic Training ang mga drug reformists at ilang Outh of School Youth na pinapangunahan ng TESDA-ISAT sa Lungsod ng Cauayan.

Katatapos lamang kaninang umaga ang Demonstration on Indigenous MicroOrganism 1 at Fermented Juice ng mga participants sa Brgy. Alicaocao sa pangunguna ni Ms. Lovely Macapia, trainer ng TESDA ISAT katuwang na rin ang mga kapulisan ng PNP Cauayan.

Ayon kay PLT Scarlette Topinio, tagapagsalita ng Cauayan City Police Station, nasa dalawampung drug surrenderees at out of school youth ang kasalukuyang nagtetraining na kanilang inaasistehan kasama ang TESDA.

Layon ng nasabing training na mabigyan ng dagdag na kaalaman ang mga drug reformist tungkol sa paggawa ng mga produkto na maaari nilang magamit para sa kanilang panghanapbuhay.

Pang pitong araw na ng kanilang training kung saan pag natapos na ang kanilang dalawamput siyam na pagsasanay ay ia-assess at bibigyan na sila ng NC II Certificate.

Paalala ni Topinio sa mga trainee na magtiyaga sa pagsasanay dahil sila lang din ang makakanabang at malaking tulong rin para sa kanilang pamumuhay at ng hindi na sila bumalik sa dating kinagawian sa pagtutulak o gamit na iligal na droga.

Facebook Comments