Palasyo nagpaabot ng pagbati sa mga nakapasa sa 2021 Bar Exams

63

Binabati ng Palasyo ng Malakanyang ang mga nakapasa sa 2020-2021 Bar Examinations.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Communication Secretary Martin Andanar, mas madaming abogado ay mas maganda ito para sa ating mga kababayan.

Umaasa rin ang Malakanyang na maitataguyod ng mga bagong abugado ang ating rule of law.


Sa datos mula sa Korte Suprema 11,402 ang kumuha ng prestihiyosong eksaminasyon kung saan 8, 241 ang nakapasa o katumbas ito ng 72.28% na passing rate.

Nabatid na sa darating na May 2, 2022 ang oath taking ceremony ng mga nakapasa sa Bar exams.

Facebook Comments