Cauayan City, Isabela- Inilunsad ngayong araw, Abril 6, 2022 ang 29-Day Organic Production NC II training para sa mga repormista o drug surenderees na nasangkot sa ipinagbabawal na gamot sa Lungsod ng Cauayan sa pangunguna ng PNP, Isabela Police Provincial Office katuwang ang TESDA Isabela.
Ang mga drug surenderees ay mula sa pitong (7) barangay sa Lungsod na kinabibilangan ng Barangay Villa Concepcion, Alicaocao, Baringin Sur, Minante II, Faustino, Tagaran, at Brgy. Pinoma.
Layunin ng naturang programa na mabigyan ng dagdag na kaalaman ang mga drug surrenderees na kanilang magagamit para sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay.
Sa naturang programa ay ituturo sa mga reformist ang mga gawaing pang-agrikultura gaya ng pagtatanim ng iba’t-ibang klase ng gulay at marami pang iba.
Pagkatapos ng 29 araw nilang pagsasanay ay magkakaroon sila ng assessment at kung sila ay makapasa ay mabibigyan sila ng Tesda Certificate.
Facebook Comments