TRY OUT NG MGA ATLETA PARA SA CAVRAA, SINIMULAN NA SA LUNGSOD NG CAUAYAN

46
Cauayan City, Isabela- Pormal nang nag-umpisa ngayong araw, Abril 6, 2022 ang Division Try out ng DepEd Cauayan para sa mga manlalarong mag-aaral na sasali sa CAVRAA 2022 na gaganapin sa Sports Complex sa Lungsod ng Cauayan.

Ito ay pinamunuan ni Dr. Alfredo Gumaro Jr., School Division Superintendent, kasama ang mga gurong coaches mula sa iba’t-ibang paaralan sa Lungsod maging ang mga magulang ng mga manlalaro.

Naging pangunahing bisita at tagapagsalita si Cauayan City Mayor Bernard Dy at nagpahayag ito ng mensahe para sa mga atleta at guro para magkaroon sila ng determinasyon sa naturang palaro.

Ang tema ng programa ay Rising for Quality Sports Transcending, Challenges Through Partnership na magtatapos sa ika- walo ng buwang kasalukuyan.

Samantala, bilang bahagi ng aktibidad ay mayroon pa rin ipinatutupad na protocol na kung saan bago makapasok sa loob ng sports complex ang mga manlalaro at guro ay kukuhanan muna sila ng body temperature, kailangang makapag presinta ng vaccination card sa mga kawani ng Rescue 922.

Facebook Comments