Ayon kay PLT. Scarlette Topinio, tagapagsalita ng PNP Cauayan, may mga ipinapatupad pa rin naman aniyang alituntunin sa mga bumibisitang kaanak ng mga nasa kustodiya ng pulisya.
Sinabi nito na hindi pa rin pinapayagan ang pagtambay o matagal na pagdalaw ng mga bumibisita sa kulungan para iwas na rin sa posibleng pagkalat o hawaan ng virus.
Kabilang rin sa mahigpit na ipinatutupad ng pulisya ang pagsusuri sa lahat ng mga gamit o pagkain na ibinibigay sa mga nakakulong sa rehas para maiwasan ang pagpasok ng mga ipinagbabawal na bagay tulad ng Cellular phone o anumang matatalim ng bagay.
Maluwag at maayos pa rin naman ang kalagayan ngayon ng mga PUCP o Persons Under Police Custody at hinihintay na lamang ang kanilang commitment order para mai-turn over sa Cauayan City District Jail.