AIKA ROBREDO, IKINAMPANYA ANG INA SA CAUAYAN CITY

10
Cauayan City, Isabela- Bumisita ngayong araw, Abril 19, 2022 sa Lungsod ng Cauayan si Aika Robredo para ikampanya ang kanyang ina na si Presidential Candidate VP Leni Robredo.

Nagtungo ang kanyang grupo sa loob ng pribadong pamilihan ng Lungsod ng Cauayan at nakipag kamay sa mga vendors para manligaw ng boto.

Bandang alas syete kaninang umaga nang dumating sa pamilihan si Aika Robredo kasama ang kanyang grupo at mga tagasuporta.

Habang isinasagawa ang pakikipag alamano ng anak ni VP Leni ay namigay naman ng mga Flyers at pamaypay ang grupo ni Aika sa mga taong nasa loob ng pamilihan.

Pagkatapos ng Market run sa private palengke ng Cauayan ay magtutungo ang grupo ni Aika sa bayan ng Luna at isusunod sa bayan ng Cabatuan para sa Meet and Greet sa mga kababaihan na gaganapin sa brgy Sampaloc Sports Complex at doon na rin magsasagawa ng press conference.

Una nang nangampanya ang anak ni Vp Leni sa Cagayan province kung saan bumisita rin ito sa ilang mga bayan at sa syudad ng Cagayan para ikampanya nga ang Leni- Kiko tandem.

Facebook Comments